Paglilitis sa PDAF case ni ex-Sen. Revilla, itinakda sa Enero 2017

 

Tinapos na ng Sandiganbayan 1st division ang  pre-trial sa kasong plunder ni dating Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr.

Sisimulan naman  sa Enero 2017 ang paglilitis sa kaso ni Revilla.

Ang unang pagdinig ay itinakda sa January 12, 2017, 8:30 ng umaga at 1:30 ng hapon.

Itinakda ng korte ang hearings tuwing araw ng Huwebes at gagawin ang pagdinig sa umaga at hapon upang mapadali ang proceedings.

Nakumpleto na rin ng  prosecution ang pagmamarka ng exhibits.

Ayon sa mga abogado ng gobyerno, higit sa isang daang testigo ang kanilang ihaharap sa korte, samantalang ang depensa naman ay tatlumpung testigo ang ipi-prisinta.

Si Revilla ay nahaharap sa kasong plunder kaugnay sa PDAF scam noong 2006 hanggang 2010.

Tinatayang nasa 224 million pesos umano ang kickbacks na natanggap umano ni Revilla mula sa paglalagak ng kanyang PDAF sa ilang pekeng NGOs ng tinaguriang Pork Barrel scam queen na si Janet Napoles.

Read more...