Mga namamatay handang paabutin ni Pres. Duterte sa 30,000 kung hindi titigil ang droga

 

Mula sa Youtube/RTVM

Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte kaya niyang paabutin ng 20,000 hanggang 30,000 ang bilang ng namamatay sa kanyang pinaigting na kampanya kontra droga malutas lamang ang problema ng bansa sa droga.

Sa kanyang pag-uwi mula sa Japan kagabi, sinabi ng pangulo na handa siyang triplehin ang bilang ng casualties kung hindi masusunod ang kanyang gusto.

Dagdag pa ni Pangulong Duterte, isang giyera na ang nagaganap sa sitwasyon sa droga sa Pilipinas.

Sa katunayan aniya, nasa 2 hanggang 3 alagad ng batas ang namamatay sa araw-araw dahil sa pinaigting na kampanya kontra droga.

Gayunman, wala namang impormasyon sa panig ng PNP hinggil sa impormasyong ito ng nasasawing pulis araw-araw sa mga engkwentro.

Sa pagharap pa rin ng pangulo sa mga mamamahayag sa pagbabalik nito sa Davao City mula Japan kagabi, ipinakita rin nito ang makapal na listahan na aniya ay naglalaman ng mga pangalan ng mga personalidad na sangkot sa droga.

Gayunman, hindi na nito idinetalye pa ang nilalaman ng ‘narco-list’.

Read more...