Duterte ‘proud’ kay Miss International Kylie Verzosa,  Human Rights, tinawag namang ‘pangit’

 

Inquirer file photo

Hindi pa rin nakalusot sa pang-aalaska ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga miyembro ng Commission on Human Rights na bumabatikos sa kanyang anti-drug campaign kahit ang tema ng usapan ay ang kanyang mensahe sa bagong tanghal na Miss International 2016 na si Kylie Verzosa.

Sa kanyang pagdating sa Davao City mula sa tatlong -araw na pagbisita sa Japan, isa sa mga naitanong sa kanya ay ang mensaheng nais nitong  ipahatid kay Verzosa.

Binati ni Pangulong Duterte  sa kanyang pagkapanalo sa Miss International pageant na ginanap sa Japan si Verzosa at sinabing masaya siya sa pagkapanalo nito.

Dahil aniya sa naturang pagkilala sa isang Pinay, nagkakaroon ng kaunting ‘yabang’ ang lahat ng mga Pilipino.

Pero mistulang hindi nakatiis ang pangulo at idinagdag pa ang banat sa Human Rights at sinabing lahat ang mga ito ay ‘pangit’.

“Kita mo, magaganda ang aming mga Pilipina,” ayon kay Duterte.

Ngunit pahabol pa nito: “Pero lahat kayo diyan sa human rights mga pangit.”

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...