Panalo ni Miss International Kylie Verzosa, trending sa social media

 

Mula sa Youtube

Mabilis na nag-trending at pinag-usapan sa social media ang pagkapanalo ni Ms. International Kylie Versoza.

Labis ang pagbati kay Kylie dahil sa panibagong karangalan na inihatid nito sa bansa.

Una rito, tiniyak ni Kylie  na maiuuwi niya ang Miss International crown at hindi nga ito nabigo.

Si Kylie ay sumunod sa yapak nina Ms. Gemma Cruz-Araneta, Aurora Pijuan, Melanie Marquez, Precious Lara Quigaman at kay Bea Rose Santiago noong 2013.

Samantala, idineklara naman 4th runner-up  ang kanidadta ng USA, 3rd runner-up ang Nicaragua, 2nd runner-up naman ang Indonesia at 1st runner-up ang Australia sa 2016 Miss International pageant na ginanap sa Japan.

Read more...