Twitter, magbabawas ng halos 4,000 empleyado dahil sa pagkalugi

 

Nagbabawas ng mga empleyado ang micro-blogging site na Twitter sa kanilang mga tanggapan sa buong mundo matapos itong makaranas ng pagkalugi.

Aabot sa hanggang siyam na porsiyento o halos apat na libong empleyado  ang sinibak ng social media company at posible pa itong madagdagan.

Ito ay kung patuloy na malulugi ang kumpanya at mabibigong makahanap ng buyer.

Sa kasalukuyan, hindi pa rin makasabay sa kita ang Twitter sa kanyang mga karibal na Facebook, Snapchat at Instagram.

Nitong nakalipas na buwan lamang bumagsak ng 27 porsiyento ang shares ng Twitter sa sotckmarket bago ito makabawi ng bahagya kahapon.

Maraming mga celebrities, mamamahayag at mga pulitiko sa buong mundo ang gumagamit ng Twitter.

Gayunman, hindi tulad ng Facebook at iba pang social media sites, nahihirapan itong makakuha ng mas malawak na audience sa mga ordinaryong mamamayan.

Read more...