Pres. Duterte, balik-Pilipinas na mula Japan; 3-day visit naging produktibo

 

Inquirer.net/AP

Dumating na sa bansa kagabi si Pangulong Rodrigo Duterte mula sa tatlong araw na state visit sa Japan.

Lumapag ang eroplanong sinasakyan ng Pangulo sa Davao City International Airport kasama ang mga miyembro ng kanyang delegasyon.

Sa kanyang pagharap sa mga mamamahayag, inanunsyo ni Pangulong Duterte na isang ‘defining moment’ sa relasyon ng Pilipinas at Japan ang ibinunga ng kanilang talakayan sa mga lider ng naturang bansa sa pangunguna ni Prime Minister Shinzo Abe.

Kabilang aniya sa mga natalakay sa okasyon ang ‘freedom of overflight and navigation particular sa mga lugar na kapwa inaangkin ng mga bansang nasa paligid ng South China Sea.

Resulta aniya ng pagpupulong naging lalong malinaw na mananatiling kaibigan ng Pilipinas ang bansang Japan.

 

Read more...