Discount sa mga pasahero sa bus, tigil muna ngayong undas

 

File Photo / Alvin Barcelona
File Photo / Alvin Barcelona

Itinigil na ng mga bus companies sa Araneta Center Bus Terminal ang ibinibigay nitong discount sa kanilang mga biyahe.

Ayon kay Mon Legaspi, manager ng Araneta Center Bus Terminal, karaniwan na ang pagbibigay ng mga kompanya ng diskwento sa pasahero sa ordinaryong mga araw.

Gayunman, ibinabalik ng mga bus company sa taripa na itinakda ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang kanilang pamasahe tuwing peak season tulad ng Undas kung kelan dagsa ang mga pasahero na umuuwi sa kanilang mga lalawigan para dalawin ang kanilang mga patay.

Sa ngayon aniya ay maituturing pa rin na normal ang volume ng mga pasahero.

Mula noong October 23 hanggang kahapon, nakapagtala sila ng average na 5,400 na departure.

Inaasahang nila na lolobo ang bilang na yan sa 6 na libo bukas at hanggang 7 libo sa darating na sabado at linggo.

Ang Araneta Center Bus Terminal ay may mga aircon at ordinary bus na bumibiyahe pa-Bicol at pa-Visayas.

Read more...