Libreng edukasyon sa mga SUC’s inaasahang maisasabatas na

 

Kumpiyansa si Senador Bam Aquino na papasa bago magtapos ngayon taon ang panukala niya na libreng edukasyon sa lahat ng State Colleges and Universities.

Ayon kay Aquino, magsasagawa ng mga pulong ang technical working groups para pag-isahin ang mga kahalintulad na panukala.

Sa pagdinig ng senate committee on education may mga panukala ang ibat ibang sektor.

Aniya, may grupo na nais ang free tuition ay depende sa kurso na nais ng estudyante, mayroon naman na nais munang alamin ang tunay na kapasidad ng estudyante na magbayad at may iba na nais palawigin ito at bigyan ng transportation, miscellaneous at living allowances ang mga mahihirap na estudyante.

Dagdag pa ng senador kasabay nito itutulak din niya na mapaganda ang kalidad ng edukasyon sa mga kolehiyo at unibersidad na pag aari ng gobyerno.

Read more...