Wagi ang pambato ng Pilipinas na si Kylie Verzosa sa Miss International 2016 na ginanap sa Tokyo, Japan.
Sa Q and A portion ng beauty pageant, tila naging pang International ang kasagutan ni Versoza.
Sinabi ng 23-year-old beauty queen na sakaling manalo siya bilang Miss International ay ilalaan niya ang kanyang sarili sa cultural understanding at international understanding.
“If I become Miss International 2016, I will devote myself to cultural understanding and international understanding. Because I believe that it is with developing with each of us sensitivity to other cultures that we expand our horizons, tolerate difference and appreciate diversity. All these enables us to achieve international understanding. And I believe I’m prepared to take on this responsibility” ani Versoza.
Aabot sa pitumpung kandidata mula sa iba’t ibang bansa ang naglaban-laban para sa korona.
Bago pa ang kumpetisyon, nagkita at nagkausap pa sina Versoza at Pangulong Rodrigo Duterte na nasa Tokyo rin para naman sa kanyang state visit.
Si Versoza ang ika-anim na Pilipina na makapag-uuwi ng Miss International crown.