Multa sa lumalabag sa number coding, tataasan ng MMDA

MMDA Photo
MMDA Photo

Plano ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na itaas at gawing P1,000 ang multa para sa mga lumalabag sa number coding.

Ayon kay MMDA General Manager Thomas “Tim” Orbos, sa huling pulong nila kasama ang Metro mayors, napag-usapan na taasan ang multa at posibleng gawin itong P1,000 mula sa kasalukuyang P500.

Ani Orbos, kung itataas ang penalty, mas mangingimi ang mga motorista na lumabag sa number coding.

Simula sa November 2, palalawigin pa ng MMDA hanggang alas 8:00 ng gabi ang pag-iral ng number coding sa Metro Manila.

Ang no window hours policy naman ay sasakupin ang mas marami pang lugar.

 

 

 

Read more...