Presyo ng bulaklak sa Dangwa sa Maynila, tataas na sa susunod na mga araw

Kuha ni Angellic Jordan
Kuha ni Angellic Jordan

Ilang araw bago ang Undas, wala pang paggalaw sa presyo ng mga bulaklak sa Dangwa.

Sa isinagawang price monitoring ng Radyo Inquirer, nananatili sa P130 hanggang P140 ang presyo ng isang Stargazer.

Ang carnation naman, naglalaro sa P170 ang sampung piraso kung ang bulalak ay galing sa China at sa kaparehong presyo naman ang isang dosena nito kung galing Baguio City.

Wala ring pagbabago sa presyo ng Malaysian Mums na P160 isang dosena habang P170 naman ang sampung piraso Gerbera Daisy.

Samantala, tanging ang rosas ang tumaas ang presyo mula sa P250 ay P300 na ngayon dahil sa epekto ng bagyong Lawin.

Ayon sa tindera na si Joan Gonzales, maaaaring tumaas sa sampu hangang bente pesos ang presyo ng mga bulaklak sa mga susunod na araw.

Aniya, mababa ang posilidad ng sobrang pagtaas ng presyo ngayong Undas dahil sa patuloy na pagdagsa ng suplay ng mga bulaklak.

Inaasahan naman ang pagdagsa ng mga mamimili simula sa araw ng Biyernes, October 28.

 

 

Read more...