Kapwa akusado ni Syjuco ang mga opisyal ng DOTC partikular ang mga bumubuo ng bids and awards committee kasama din ang negosyanteng si Domingo Samuel Jonathan Ng.
Nag-ugat ang kaso noong 2005 nang umano’y magsabwatan ang mga akusado para palabasin na nag-order ng 1,582 units ng Nokia 1100 para i-deliver sa distrito ni Syjuco.
Nagbayad umano ang DOTC ng 5.9 million pesos para dito sa West Island Beverages Distributor na pag-aari ng negosyanteng si Ng.
Pero lumabas sa imbestigasyon ng Office of the Ombudsman na hindi nagkaroon ng ganitong transaksiyon at hindi rin nagkaroon ng delivery ng cellphones.
Sa kabila nito, nakolekta naman umano ng West Island ang 5.9 million pesos.