TV host, 53 pang celebrities kasama sa panibagong drug list- Dela Rosa

 

File photo

Nasa 54 na mga celebrities, kabilang na ang isang kilalang TV host sa isang top-rating na show ang sangkot sa iligal na droga.

Ito ang isiniwalat ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa sa pagharap nito sa mga kasapi ng Manila Overseas Press Forum.

Ayon kay Dela Rosa, ang 54 na pangalan ng mga celebrities ay bukod pa sa naunang 30 na mga pangalan na kanyang isinumite kay Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan.

Nasa diskresyon na aniya ni Pangulong Duterte kung ibubunyag sa publiko ang mga pangalan ng mga artista o hindi.

Ang panibagong listahan aniya ay nabuo matapos maaresto ang ilang mga personalidad na kumilala sa ilan nilang mga celebrities na sinusuplayan nila ng droga.

Matatandaang kamakailan, nahuli ang mga dating aktres na sina Sabrina M. at Krista Miller sa anti-drug operation ng mga otoridad.

Una rito, nadakip din ang FM Radio DJ na si Karen Bordador at boyfriend nito sa isang buy-bust operation.

Read more...