Headline: 20 kalsada sarado pa rin dahil kay ‘Lawin’

 

Kuha ni Richard Garcia
Kuha ni Richard Garcia

Nasa 20 kalsada pa sa ilang bahagi ng Luzon ang nanatiling sarado hanggang ngayon dahil sa pananalasa ng nagdaang super bagyong ‘Lawin’.

Base ito sa executive summary ng DPWH, 17 sa mga kalsadang hindi pa nadadaanan ng mga sasakyan ay sa Cordillera region, isa sa Ilocos region at dalawa sa Cagayan Valley region.

Ayon sa kagawaran nanatiling sarado ang mga kalsada dahil sa mga napinsalang mga tulay, sa mga detour road, mga nakahambalang ng mga poste at puno at dahil na rin sa landslides.

Ang Kennon road na nag-uugnay sa La Union at Benguet na patungo sa Baguio City ay sarado pa rin.

Hirap pa rin makadaan ang mga maliliit na sasakyan sa Nueva Ecija – Aurora road dahil sa mataas na antas pa rin ng tubig baha mula sa umapaw na Cabatangan river.

Tinataya na aabot na sa P870.2 million ang halaga ng pinsalang idinulot ng nagdaang bagyo sa mga imprastrakrura kabilang na sa mga kalsada, tulay ay flood control facility.

Read more...