“No strings attached” sa P90M na tulong ng China sa Pilipinas ayon kay Pangulong Duterte

Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua handed China's aid to typhoon victims | PCO Photo
PCO Photo

Wala umanong hininging kapalit ang China sa pagbibigay nila ng tulong para sa mga nasalanta ng bagyong Lawin sa Pilipinas.

Ang P90 milyon na ayuda ng China ay iniabot kahapon kay Pangulong Duterte ni Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua.

Ang kabuuang P89.8 milyon na donasyonng China para sa mga nasalanta ng Lawin ay mula sa Chinese Embassy na nagbigay ng P50 milyon, Chinese Red Cross – P4.8 milyon at Chinese government na nagbigay naman ng P35 milyon/

Ayon kay Duterte, gagamitin ang pera para sa rehabilitasyon sa mga lugar na nasalanta ng bagyo.

Sinabi naman ni Zhao, bilang kaibigan, kapitbahay at kapatid na bansa, responsibilidad nila na tulungan ang mga biktima ng bagyo sa Pilipinas.

 

 

Read more...