Mas mabigat na parusa sa mga nagnanakaw sa mga sementeryo, isinusulong sa Kamara

north-cemetery1-298x224Isang panukalang batas ang inihain ni House Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na layong patawan ng mas mabigat na parusa ang mga nasa likod ng nakawan sa mga sementeryo.

Sa kanyang House Bill 428, pina-aamyendahan ni CGMA ang Revised Penal code para maisama sa krimen ang ‘grave robbery’.

Sa mga kasong kabilang sa Articles 299 at 303, kapag ninakaw ang anumang parte ng puntod, kabaong, monumento o ano pa mang dekorasyon sa sementeryo, ang gumawa nito ay papatawan ng parusang mas mataas sa antas na nakasaad sa nasabing artikulo.

Ang articles 299 at 303 ay tumutukoy sa pagnanakaw sa mga tinitirhang bahay, gusali at mga lugar-sambahan gayundin sa pagnanakaw sa mga lugar na hindi tinitirhan o pribadong lugar.

Sa panukala, ipinaliwanag ni Arroyo na maging ang mga libingan ay hindi na pinalalampas ng masasamang loob.

Giit ng deputy speaker, bukod sa paglapastangan ito sa namayapa ay nakakadagdag pa sa pagdadalamhati ng naiwang pamilya at mahal sa buhay.

 

Read more...