4 sugatan sa aksidente sa EDSA southbound

Maagang naperwisyo ang daloy ng trapiko sa kahabaan ng EDSA Southbound matapos magkaroon ng apat na magkakasunod na aksidente.

Unang naganap ang isang aksidente sangkot ang isang private van at pampasaherong bus dakong alas 4:42 ng umaga.

Apat na pasahero ng van ang nasugatan sa nasabing aksidente, matapos mayupi ang bungad ng sasakyan nang bumangga ito sa likuran ng bus.

Ayon sa driver ng van na si Oliver Tolentino, nagulat siya nang biglang huminto ang bus sa kaniyang harapan.

Isa sa mga nasugatan ang kinse anyos na lalaki na nakasakay sa front seat ng van.

Kinailangan pang gumamit ng hydraulic rescue tools para maialis ang bata sa pagkakaipit.

Ang tatlo pang sugatan ay nagtamo lamang ng minor injuries. Alas 6:10 ng umaga nang maialis sa lugar bus at van.

Samantala, nasundan pa ito ng tatlong magkakasunod na aksidente sa Southbound lane ng EDSA.

Una ay kinasangkutan ng pampasaherong bus at FX sa EDSA-Ortigas Southbound; na sinundan ng aksidente bago sumalit sa Boni na kinasangkutan naman ng dalawnag Fortuner at ang sumunod ay naganap sa EDSA-Boni MRT Southbound sangkot ang isang vios at taxi.

Dahil sa nasabing mga aksidente, umabot na sa West Avenue sa Quezon City ang tail end ng traffic sa Southbound ng EDSA hanggang sa bahagi ng Boni.

 

 

Read more...