Pilipinas, pahinga muna sa bagyo; high pressure area, umiiral sa Luzon

Mababa ang tsansa na magkaroon ng bagyo sa bansa ngayong linggong ito.

Ayon sa PAGASA, matapos ang magkasunod na bagyong Karen at mapaminsalang Lawin, pahinga muna sa bagyo ang bansa.

Sa ngayon, ridge of High Pressure Area (HPA) ang naka-aapekto sa Luzon.

Simula ngayong umaga hanggang bukas, magiging maaliwalas ang panahon sa Northern at Central Luzon.

Habang sa Metro Manila, posibleng magkaroon ng rainshower at thunderstorm sa mga susunod na araw.

May mahinang ulan naman sa halos buong Visayas simula ngayong umaga.

Sa Mindanao, posible rin ang mahinang pag-ulan partikular sa bahagi ng Zamboanga Peninsula.

 

 

Read more...