Apat patay sa buy-bust sa QC

 

Kuha ni Jong Manlapaz

Nauwi sa barilan na ikinasawi ng apat na drug personality ang buy-bust operation ng mga otoridad sa Sitio San Roque, Brgy. Bagong Pag asa, Quezon City.

Ayon kay Chief Insp. Erwin Guevarra, hepe ng SAID special Operations, Task Group ng QCPD Stn. 2, sina Ricardo Mamaril alyas Iking at isang alyas Chan ang pinaka-target ng operation na parehong nasa drug  watch list ng mga otoridad.

Lumalabas sa imbestigasyon  na nakatunog umano ang dalawa na pulis ang kanilang ktransaksyon kaya’t nanlaban ang mga ito at nakipagpalitan ng putok sa mga otoridad na na nagresulta sa kanilang agarang kasawian.

Dalawa ring di pa nakilalang parokyano ng mga suspek ang nasawi na nakuhanan rin ng tig-isang baril.

Nakuha sa crime scene ang ilang sachet ng hinihinalang shabu, dalawang .45 caliber pistol, dalawang .38 revolver at mga drug paraphernalia.

Samantala, apat naman na indibidwal ang naaresto ng mga otoridad sa naturang operasyon.

Read more...