Video na naipost sa social media, dahilan suicide ng 18-anyos na babae sa mall

 

Mula sa Quotesgram

Nakilala na ang babaeng nagpakamatay sa loob ng SM Megamall sa pamamagitan ng pagtalon mula sa ikalimang palapag ng gusali kahapon ng umaga.

Napag-alaman na ang biktima ay isang 18-anyos na BS Physical Education student ng Rizal Technological University na si Jessa Lojo na na nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan.

Sa kwento ng kaibigan ng biktima na si Chan Mae Pontillo sa Inquirer, lumilitaw na dinamdam ng biktima ang pagkakadiskubre ng kanyang mga kaanak ng video na kanyang ipi-nost sa social media na hinahalikan ang ‘girlfriend’ nito na 17-anyos.

Napagalitan umano ng kanyang tiyahin ang biktima dahil sa nadiskubreng video na naging dahilan upang makaranas ito ng depresyon.

Nakatakda sanang magkita-kita ang biktima, ang girlfriend nito at ilan nilang kaibigan at kaanak sa Barangka, Marikina upang pag-usapan ang naturang video ngunit nagbago ang isip ng biktima at nagpasama na lang kay Pontillo sa simbahan sa loob ng mall.

Hindi pa man nagtatagal, bigla na lamang umanong tumalon ang biktima mula sa fifth floor na dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Read more...