Dagdag-bawas sa diesel at gasoline, epektibo na ngayon

 

Inquirer file photo

Epektibo na ngayong araw ang dagdag-bawas ng mga kumpanya ng langis sa presyo ng kanilang mga produktong petrolyo.

Magtataas ng P.20 sentimos kada litro ng gasolina ang Shell, Caltex, Flying V, Phoenix Petroleum, Total, Unioil, Jetti, PTT, Seaoil at Petron samantalang may rollback naman na P.10 sentimo kada litro sa kanilang mga diesel products.

May price reduction naman ang Shell, Caltex at Flying V na P.15 sentimos sa bawat litro ng kerosene.

Epektibo ang dagdag-bawas sa presyo ng mga produkto ng Shell, Caltex, Phoenix, Total at Flying V, Jetti, Seaoil, PTT at Petron ngayong alas-6:00 ng umaga.

Ang Eastern Petroleum naman ay nagpatupad ng oil price increase kaninag alas dose ng madaling-araw.

Read more...