Sumuko sa tropa ng militar sa Joint Task Force Basilan ang isang Abu Sayyaf sub-leader at sampung iba pa nitong mga tauhan.
Kinilala ni Western Mindanao Command spokesperson Major Felimon Tan ang ASG sub-leader na si Moton Indama.
Ayon kay Tan, si Moton ay kamag-anak ng ASG leader na si Puruji Indama, na lider ng nasa 20 ASG na nag-ooperate sa Tipo-Tipo, Basilan at responsable sa pagbabaon ar pagpapasabog ng mga IED o Improvised Explosive Device sa Basilan Circumferential Road sa Barangays Baguindan at Silangkum, Tipo-Tipo.
Kinilala naman ang sampung iba pang surrenderees na mga ASG members na sina Haimin Jalil, Marham Musana, Sadjara Hadjaraman, Tari at Halid Murasimin, Gulam Hajim, Haraward Sahirulla, Basri Laisun, Nasim Baliyung at Ring Langka.
Kasabay na isinurender ng mga ASG members ang kanilang mga armas kabilang ang 3 – Cal. 45 pistols, 1- Cal. 38, 1- M653 Rifle, 1- mini Sub machine gun, 1- M203 Rifle, 1- M1 Garand, 1- 12 gauge Shotgun, at mga bala at magazine.
Sa kabuuan, mula July hanggang ngayong araw Oct 24 mayroon ng 34 na mga ASG members ang sumuko sa pamahalaan.