Pito patay, halos 100 sugatan sa pagsabog sa China

 

Hindi bababa sa pito katao ang nasawi samantalang nasa halos isandaan naman ang nasaktan sa pagsabog na naganap sa isang prefabrcated na bahay sa bayan ng Xinmin, Shaanxhi province sa China.

Dahil sa lakas ng pagsabog ilang mga gusali rin sa paligid ng bahay ang nasira.

Maging ang ospital na malapit sa sumabog na bahay ay napinsala rin sa matinding pagsabog.

Inaalam pa ng mga otoridad ang dahilan ng insidente.

Sa kasalukuyan, umaabot sa 98 katao ang nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan samantalang nasa apat ang nasa intensive care unit.

Patuloy ang paghahalughog ng mga otoridad sa pinangyarihan ng pagsabog upang maghanap ng iba pang biktima.

Read more...