Call center companies, humihingi ng ‘dialogue’ kay Pres. Duterte hinggil sa ‘hiwalayang’ RP-US

 

Humihiling na ng dayalogo kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kinatawan ng Business Process Outsourcing o ‘call center industry’ upang malinawan ang isyu ng ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.

Ang paghiling ng pormal na talakayan ng mga BPO kay Pres. Duterte ay bunga ng mga pahayag ng pangulo nitong nakaraang linggo na nagsabing ‘humihiwalay’ na sa Amerika ang Pilipinas.

Pangamba ng IT and Business Process Association of the Philippines (IBPAP), posibleng maapektuhan ng mga naging pahayag ng pangulo ang kanilang industriya.

Sa kasalukuyan aniya, nasa 80 porsiyento ng mga ‘accounts’ na hawak ng mga BPO sa Pilipinas ay mula sa Amerika.

Kung madadamay sa ‘pakikipaghiwalay’ ng Pilipinas sa US, posibleng maapektuhan ang mga empleyado ng nasa isang milyong empleyado ng  900 BPO companies sa bansa, ayon sa IBPAP.

Read more...