Isa pang bahagi ng nawawalang Malaysia Airlines flight MH 370 ang pinaniniwalaang natagpuan sa Reunion Island sa Indian Ocean.
Batay sa inisyal na impormasyon, ang nasabing debris na nadiskubre sa timog na bahagi ng St. Denis City ay pinaniniwalaang pintuan ng nawawalang eroplano.
Kamakailan lang ay nakuha sa parehong lugar ang dalawang metrong flaperon o pakpak ng eroplano na posibleng mula sa flight 370.
Ang unang debris na nakita sa Reunion Island ay dumating na sa France at sasailalim sa ilang pagsusuri bago ang pormal na pagkumpirma na bahagi nga ito ng MH370.
Matatandaang nawala noong March ng nakaraang taon ang Malaysia Airlines plane na may sakay na 239 katao habang patungo ito sa Beijing, China./Mariel Cruz
MOST READ
LATEST STORIES