Rousey, panalo sa UFC Bantamweight Division

ronda rousey
Inquirer file photo

Sa loob lamang ng thirty four seconds, pinabagsak ni UFC star Ronda Rousey ang Brazilian opponent na si Bethe Correia sa highly anticipated UFC 190 Women’s Bantamweight title fight na ginanap sa Rio de Janiero.

Hindi ang trademark na ‘armbar’ ni Rousey ang tumapos sa laban kundi isang matinding suntok ng kanyang kanang kamao ang nagpabagsak kay Correia.

Dahil dito, napahalik sa canvass si Correia dahilan para itigil na ang laban.

Hawak ngayon ni Rousey ang record na 12-0.

Una rito, pinabagsak ni Rousey ang kalaban na si Alexis Davis sa loob lamang ng labing anim na segundo.

Noong Pebrero naman, tinalo ni Rousey nito si Cat Zingano sa loob lamang ng labing apat na segundo./ Chona Yu

 

 

Read more...