Hindi natuloy ang nakatakda sanang arraignment sa aktor na si Mark Anthony Fernandez ngayong araw.
Ito ay dahil sa may nakabinbin pang mosyon ang aktor sa korte.
Ang kaso ay may kaugnayan sa kinakaharap niyang civil disobedience sa Angeles City Municipal Trial Court Branch 1 matapos na tangkain umano niyang takasan ang mga pulis na sumita sa kaniya noong Oct. 3.
Si Fernandez ay dinakip sa checkpoint sa Angeles City sa Pampanga makaraang mahulihan ng marijuana sa kaniyang sasakyan.
Nahaharap din siya sa hiwalay na kaso sa Angeles City Regional Trial Court Branch 60 kaugnay sa paglabag sa Dangerous Drugs Act.
Kaninang umaga, dumating sa Angeles City MTC Branch 1 si Fernandez sakay ng kulay puti na SUV at gwardyado ng jail guards.
Sinamahan din siya ng ina na si Alma Moreno.