Kinumpirma ng mga otoridad na ang labing tatlong nasawi ay pawang sakay ng tour bus.
Galing sa Red Earth Casino sa Salton City, California ang bus at patungo na sa Los Angeles nang maganap ang aksidente.
Naganap ang insidente sa Interstate 10 malapit sa Palm Springs.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang National Transportation Safety Board sa kung ano ang naging sanhi ng aksidente.
Sa wasak na wasak umano ang bungad ng tour bus at halos pumasok sa loob ng trailer.
Ang mga nasugatang pasahero ay dinala na sa pagamutan.
Ang aksidente ay nagresulta naman sa pagsasara ng westbound lanes ng interstate.