Halaga ng pinsala ng bagyong Lawin sa Agrikultura, P10B na

BAGGAO CAGAYAN | Photo from Baggao Police Station
BAGGAO CAGAYAN | Photo from Baggao Police Station

Umabot na sa P10 bilyon ang halaga ng pinsala ng bagyong Lawin sa agrikultura pa lamang.

Ayon kay Department of Agriculture (DA) Sec. Manny Piñol matindi ang pinsala na iniwan ng bagyo sa mga taniman sa mga lalawigang tinamaan nito.

Ayon sa datos ng DA, aabot na sa P10.2 billion sa 467,068 na ektarya ng taniman.

Kabilang sa mga naapektuhang pananim ay palawy, mais, cassava vegetables gayundin ang ilang fisheries at livestock sa Regions 1 (Ilocos), 2 (Cagayan Valley), 3 (Central Luzon), 4A (Calabarzon), 4B (Mimaropa) at 5 (Bicol).

Sa pagtaya ng DA, aabot sa 70,000 magsasaka ang naapektuhan.

Ang pananim na palay ang nakapagtala ng may pinakamataas na halaga ng pinsala na aabot sa P7.8 billion at karamihan ay sa Cagayan Valley.

Ayon sa DA, naghahanda na sila ng tulong sa mga napinsalang pananamin para matulungan ang mga magsasaka.

Pinaalalahanan din ang mga magsasaka na kumuha ng certification mula sa municipal agriculturists para sila ay makatanggap ng replacement seeds.

 

Read more...