Higit 75,000 nananatili sa mga evacuation centers dulot ng super bagyong ‘Lawin’

 

Inquirer/NASSA

Umaabot pa sa 75,000 katao ang nananatili sa iba’t-ibang mga evacuation centers resulta ng pananalanta ng nakalipas na super bagyong ‘Lawin’.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), patuloy na binibigyan ng ayuda ng pamahalaan ang naturang mga evacuees na pawang mga residente ng Northern at Central Luzon.

Umaabot din sa P2.05 bilyong piso ang kabuuang pinsala na idinulot ng bagyo sa imprastraktura at agrikultura.

Nasa P1.042 bilyong halaga naman ng mga lansangan ang sinira ng pagragasa ng isa sa mga pinakamalakas na bagyong tumama sa Pilipinas.

Nasa 199 barangay sa Pangasinan at Pampanga ang lubog pa rin sa tubig-baha.

Hanggang nitong Linggo, umaabot na sa P10.6 milyon pisong halaga ng tulong ang naipaabots sa mga biktima ng bagyo.

Read more...