Simbahang Katolika, naglunsad ng drug rehab campaign

 

Naglunsad ang Simbahang Katolika ng isang archiocesan-wide na drug rehabilitation program kahapon sa isang misa sa Manila Cathedral.

Sa pangunguna ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, inilunsad ng Simbahan ang “Sanlakbay para sa Pagbabagong Buhay” program para sa mga nalululong sa droga na target supilin ng kasalukuyang administrasyon.

Layon nitong mas palakasin ang preventive phase ng Restorative Justice Ministry ng Caritas Manila na tumutulong sa pagpapagaling ng mga sumusukong adik sa iligal na droga at kanilang mga kaanak.

Ito’y sa pamamagitan ng spiritual formation, counselin, livelihood projects, skills formation training at arts and culture, pati na ilang mga sports activities.

Sakop rin ng Sanlakbay ang paralegal assistance, religious studies tulad ng Bible studies o katekismo, livelihood training, edukasyon, adbokasiya, social action and services, at mga tulong medikal.

Makakatuwang naman ng simbahan sa Sanlakbay ang Center for Family Ministries, Psycho-Trauma Clinic ng University of Santo Tomas Graduate School, Department of Interior and Local Government (DILG) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ito ang tugon ng simbahan sa mas pinaigting na kampanya ng administrasyong Duterte laban sa iligal na droga.

Nakahanay rin ang programang ito sa pagtatakda ni Pope Francis sa 2016 bilang Year of Mercy.

Read more...