Bulkang Bulusan, muling nagbuga ng abo

 

Mula sa OCD 5

Sa ikaapat na pagkakataon ngayong buwang ito, muling nagbuga ng abo ang bulkang Bulusan sa Sorsogon.

Ayon sa Phivolcs, naganap ang ‘phreatic explosion’ ng Mt. Bulusan dakong alas 3:30 ng hapon, Linggo.

Tumagal ng 15 minuto ang pagbuga ng abo at usok at umabot sa taas na 2.5 kilometro ang taas ng ibinugang ‘ash column’ ng bulkan.

Ngayong Oktubre, unang nagbuga ng abo at usok ang Bulusan noong October 17, na sinundan noong October 19, at 21.

Nananatili ang Alert level 1 sa paligin ng Bulusan volcano.

Pinalawak na rin ng Phivolcs ang extended danger zone sa timog na bahagi ng bulkan  ng dalawang kilometro

Read more...