Sen. Pacquiao, nasa LA na para sa pagpapatuloy ng training

 

Mula sa boxingscene.com

Dumating na si Filipino Boxing Icon at Senador Manny Pacquiao sa Los Angeles, California kung saan kanyang itutuloy ang training para sa nalalapit na boxing fight sa Nobyembre.

Kasama ni Pacquiao sa L.A. ang kanyang misis na si Jinkee at mga miyembro ng kanyang team.

Sa November 05, 2016, haharapin ni Pacquiao si World Boxing Organization o WBO welterweight champiom Jessie Vargas  sa boxing ring sa Las Vegas, Nevada.

Sa Lunes naman inaasahang magsisimula ang training ni Pacquiao sa Wild Card Boxing Club sa Hollywood.

Bago umalis ng Pilipinas, sinabi ni Pacquiao na masaya siya dahil nagampanan niya ang lahat ng sabay-sabay.

Ito’y ang pagiging Senador at pagiging boksingero na naghahangad ng panalo para sa mga kababayan.

Noong Agosto, nagsimula ang training ni Pacquiao pero hindi pa lumiban o umabsent sa Mataas na Kapulungan ang tinaguriang pambansang Pacman.

Marami ring pumuri kay Pacquiao dahil sa pakikibahagi nito sa ilang committee hearings ng Senado, gaya ng imbestigasyon ukol sa extra judicial killings o EJKs.

Pinayagan ng Lider ng Senado si Pacquiao na ituloy ang kanyang boxing bout dahil naka-recess naman ang Kongreso.

 

Read more...