Presidente Duterte, bibisita sa ilang lugar na sinalanta ng Supertyphoon Lawin

 

Nakatakdang bisitahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw ng Linggo ang ilang lalawigan na sinalanta ng Supertyphoon Lawin.

Ayon kay NDRRMC Undersecretary Ricardo Jalad, kabilang sa mga pupuntahan ng Presidente ay ang Tuguegarao City at Isabela.

Sinabi ni Jalad na bukod sa kanya ay kasama ng Pangulo ang ilang miyembro ng gabinete tulad nina Budget Secretary Benjamin Diokno, DSWD Secretary Judy Taguiwalo, DPWH Secretary Mark Villar at NEDA Secretary Ernesto Pernia.

Ani Jalad, magiging mabilis lamang ang pagdalaw ni Presidente Duterte sa mga nabanggit na lugar, pero nais umano nitong personal na makita ang sitwasyon doon makaraang mabayo ng napakalakas na bagyo.

Matatandaang nasa state visit sa China si Pangulong Duterte nang manalasa ang Supertyphoon Lawin sa ilang probinsya lalo na sa Northern Luzon.

Read more...