Indie Film na “Magtanggol”, kabilang sa International Film Festival of Manhattan

Photo from Tom Rodriguez's IG account
Photo from Tom Rodriguez’s IG account

Napabilang ang independent film na “Magtanggol” sa International Film Festival of Manhattan sa New York City, sa Estados Unidos.

Ang indie film ay na pinagbibidahan ni Kapuso Star Tom Rodriguez sa ilalim ng direksyon ni Siegfried Barros Sanchez.

Ibinahagi ni Rodriguez ang kanyang good news sa isang Instagram post tungkol sa ginanap na international premiere nito kahapon, October 22.

Inaanyayahan din ng aktor ang mga Pilipino sa Amerika na suportahan ang nasabing pelikula matapos itong i-pull out ng SM Cinemas sa unang araw pa lamang ng theatrical release noong Hunyo dahil nilangaw o wala umanong nanunuod dito.

Inamin naman ni Director Sanchez na nagkulang ang kanilang team para sa marketing at publicity ng nasabing pelikula.

 

Read more...