Iniimbestiagahan na ng mga otoridad ang naging sanhi ng fish kill na naganap sa Tanza, Cavite.
Kinumpirma ng local Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na hindi bababa sa 3.5 tons ng mga patay na isda na kung saaan karamihan ay mga sap-sap ang palutang-lutang sa sakop na katubigan ng Barangay Capipisa noong October 13 at sa mga barangay ng Julugan I at Julugan III noong October 14.
Ayon sa BFAR kumuha na ng water samples sa mga nasabing lugar bilang bahagi ng isinasagawang imbestigasyon sa sanhi ng pagkakaroon ng fish kill.
Una ng pinanawagan ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya), isang fisherfolk group sa BFAR at ibang mga otoridad na imbestigahan ang naganap na fish kill dahil sinisisi ng mga residente ang mga kemikal na mula sa isang biscuit factory sa lugar.
Noong September at December ng nakaraang taon ay tone-tonelada ding patay na mga isda ang nag palutang-lutang sa katubigang sakop ng kalapit na bayan na Rosario kung saan ayon sa naging imbestigasyon ay dahil sa toxic chemicals, wastes at low dissolved oxygen level ang naging sanhi ng naturang insidente.