Napatay ng Iraqi security forces ang 48 na mga armadong lalaki na pawang mga miyembro ng Islamic State (IS) na umatake sa Kirkuk.
Kinumpirma ni Brigadier General Khattab Omar Aref na 48 IS members ang napatay sa naging bakbakan kung saan ang iba dito ay pinasabog na lang asarili ng mapalibutan ng mga otoridad.
Pinangunahan ng special counter-terrorism and intelligence units ang pagsupgo sa mga IS fighters na umatake sa pampublikong mga gusali simula pa noong Biyernes.
Dagdag pa ni Aref ay kontrolado na kanilang security forces ang sitwasyong ngunit may ilan pa rin na mga grupo ng mga jihadists ang nasa mga kalapit na mga lugar.
Aniya ni Aref kanilang napigilan ang planong pagkontrol ng IS sa mga government buildings kabilang na ang security headquarters.