Unang binisita ng pangalawang pangulo ang Peñablanca National High School na malubhang winasak ng bagyo at ang Peñablanca Central Elementary School.
Ayon kay Robredo, prayoridad ng kanyang tanggapan sa Housing Urban Development Coordinating Committee (HUDCC) ang magbigay ng tulong sa mga residente na nawalan o nasiraan ng tahanan dahil sa bagyo.
Hinimok rin ng pangalawang pangulo ang mga opisyal ng lalawigan na gumawa ng request sa iba pang ahensiya ng gobyerno para sa rehabilitasyon ng kani-kanilang nasasakupan.
Ang kanyang opisina na aniya ang bahala sa koordinasyon para sa mgs ahensiya ng pamahalaan.
Unang tinungo ni Robredo ang Tuguegarao City sa Cagayan habang dala ang mga relief items mula sa kanyang tanggapan para sa mga biktima ng bagyo.