18 patay, habang 40,000 evacuees hindi pa makauwi dahil sa bagyong Lawin

Tuguegarao City | Photo courtesy of Che Calucag
Tuguegarao City | Photo courtesy of Che Calucag

Pumalo na sa 18 ang nasawi, habang mahigit 40,000 katao pa ang nananatili pa rin sa mga evacuation centers ngayon at hindi makauwi matapos manalasa ang bagyong Lawin sa northern Luzon.

Ayon sa mga opisyal, mababa ang naitalang nasawi dahil sa napakalakas na bagyo at naniniwala silang ito ay dahil sa maagang paglikas ng mga residenteng nakatira sa mga delikadong lugar tulad ng tabi ng ilog o paanan ng bundok.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa 40,515 na katao pa ang nananatili sa mga evacuations hanggang kahapon.

Samantala, nagpadala na rin ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng mga tauhan nila upang tumulong sa rescue at road-clearing sa mga lugar na sinalanta ng bagyo.

Idineklara naman na ang state of calamity sa Ilocos Norte, Tuguegarao at Kalinga kahapon, upang magamit ang pondo sa pagbibigay ayuda sa kanilang mga residente.

Read more...