Diplomatic ties, hindi mapuputol sa pagkalas ng Pilipinas sa US ayon kay Duterte

Duterte-China1Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang “separation” ng Pilipinas sa Estados Unidos ay hindi nangangahulugan ng pagputol sa diplomatic ties sa pagitan ng dalawang bansa.

Ginawa ng pangulo ang paglilinaw sa pagharap niya sa media pag-uwi niya sa Davao City mula sa China kung saan niya ginawa ang pahayag ng pag-kalas sa US.

Ayon kay Pangulong Duterte, “separation of a foreign policy” ang talagang ibig niyang sabihin nang banggitin niya ang pag-kalas sa Amerika sa isang pahayag niya sa kaniyang state visit sa Beijing.

Giit ng pangulo, hindi ito “severance of ties” dahil sa ganitong paraan, pinuputol na rin ang diplomatic ties na alam niyang makasasama sa Pilipinas at mga Pilipino.

Hindi niya aniya maaring gawin ito dahil mas makabubuti sa bansa na panatilihin ang ugnayan na ito.

Dagdag pa ni Duterte, maraming mga Pilipino na nasa Amerika at baka patayin siya ng mga ito kung puputulin niya ang ganitong ugnayan sa Estados Unidos.

Hindi pa naman tiniyak ng pangulo kung masasagi ba ng kaniyang desisyon ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA), dahil ikokonsulta pa niya aniya ito sa militar at pulisya lalo’y seguridad ang pinaguusapan dito.

Read more...