Sa isang pahayag, pinuri ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate ang pagsusulong ng pangulo ng independent foreign policy at sa pagkalas sa US.
Ayon pa kay Zarate, ang Amerika lang naman ang mas nakikinabang sa mga kasunduan nito sa Pilipinas, tulad na lamang ng Enhances Defense Cooperation Agreement (EDCA).
Welcome rin para kay Kabataan Rep. Sarah Jane Elago ang hakbang na ito ng pangulo na aniya’y kauna-unahang lider ng bansa na may lakas ng loob na kumalas sa Amerika.
Patuloy aniya nilang susuportahan ang independent foreign policy ni Pangulong Duterte.
Gayunman, nagpaalala rin si Elago sa posibleng maging kapalit naman ng pakikipag-alyansa ng Pilipinas sa China dahil hindi naman dapat isuko ang ating teritoryo sa West Philippine Sea.