Hong Kong, binayo ng bagyong Haima

Umabot sa mahigit 700 flights ang nakansela papasok at palabas ng Hong Kong dahil sa pananalasa ng bagyong Lawin na mayroong international name na Haima.

Sarado din ang mga opisina at walang pasok sa mga paaralan.

Matapos tumama sa kalupaan ng Shanwei, nagbagsakan ang malalaking puno sa lansangan at malakas ang hampas ng alon sa coastal roads.

Una nang itinaas ang number 8 storm signal sa Hong Kong na third-highest warning level doon kapag may bagyo.

Binalaan na rin ng mga otoridad ang publiko na lumayo sa shoreline bunsod ng masungit na panahon.

Maging ang Star Ferry na tanyag naferry service sa Hong Kong ay hindi nakabiyahe at limitado rin ang biyahe ng underground metro train.

Nagtayo na ng 20 temporary shelter sa Hong Kong para sa mga maaapektuhan ng pagbaha.

 

Read more...