Korean national at 1 Pinoy, dinukot ng Abu Sayyaf sa Tawi-Tawi

Google PhotoInatake ng hinihinalang mga miyembro ng bandidong Abu Sayyaf Group ang isang Korean cargo vessel sa karagatan ng Bongao, Tawi-tawi

Sa ulat ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Mindanao Command, spokesperson Major Felimon Tan, nangyari ang pag-atake ng mga bandido sa pamumuno ni Jul Hassan kahapon.

Sakay ng barko na MV Dong Bang Giant 2 ang kapitan ng barko na Park Chul Hong isang Korean national habang ang isa pang crew ng barko ay isang Pinoy na kinilalang si Glenn Alindajao na taga-Cebu.

Ang dalawa ay kapwa tinangay ng nasa sampung bandido.

Sinasabing ang mga bandido ay followers ni Abu Sayyaf sub-leader Idang Susukan na nakabase sa Sulu.

Sa ngayon inalerto na ng Joint Task Force Tawi-Tawi ang lahat ng kanilang units para mailigtas ng buhay ang mga dinukot na dalawang tripulante.

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...