Patungkol ito sa kasong kriminal na isinampa ng Office of the Ombudsman sa anti-graft court laban sa alkalde kaugnay ng sunog na naganap sa isang factory ng Kentex noong May 13, 2015 na ikinasawi ng mahigit na 70 katao.
Nagpiyansa si Gatchalian ng P90,000 para sa mga kasong kinakaharap nito.
Nahaharap si Gatchalian sa kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide at physical injuries dahil sa pag-iisyu nito ng permit to operate sa Kentex kahit na malinaw na bagsak ito sa fire safety standards.
Samantala, umaasa si Gatchalian na idi-dismiss ng Sandiganbayan ang nasabing kaso at ikukunsidera ng graft court ang kanilang pagsisikap ng Valenzuela at iba pang Local Government Units (LGUs) para gawing mas madali na mag-negosyo sa bansa at itaas ang ranking ng Pilipinas sa larangan ng global competitiveness.
Maliban sa kaniyang kaso, binayaran din ni Gatchalian piyansa ng iba pang opisyal ng Valenzuela na isinasangkot sa nasabing kaso.