C130 naghatid ng relief supplies sa Cagayan

INQUIRER PHOTO | RICHARD REYES
INQUIRER PHOTO | RICHARD REYES

Dumating na sa Tuguegarao Airport sa Cagayan ang kahon-kahong relief supplies na sakay ng C130.

Sakay ng C130 ang 2,400 relief supplies na ipapamahagi sa mga bayan sa Cagayan na nasalanta ng bagyong Lawin.

Kasabay nito, nagsagawa din ng aerial survey ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa Cagayan para matukoy ang lawak ng pinsala.

Kasama ni NDRRMC Excecutive Director Ricardo Jalad sa pagsasagawa ng aerial survey si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Judy Taguiwalo.

Samantala sa bayan ng Alcala, Cagayan, nagdeklara n ang state of calamity si Mayor Criselda Antonio.

Ayon kay Antonio, umabot na sa P90M na halaga pinsala sa agrikultura ang idinulot ng bagyong Lawin.

Isolated ang mga barangay Afusing Batu, Damurog at Pagbangkeruan sa Alcala dahil sa pag-apaw ng Cagayan River.

 

 

Read more...