Pangulong Duterte nakakuha ng 86% approval rating

duterte makatiNakakuha si Pangulong Rodrigo Duterte ng mataas na performance at trust ratings sa latest survey ng Pulse Asia.

Ayon sa Pulse Asia sa tatlong pinakamataas na mga opisyal ng pamahalaan, si Duterte ang may pinakamataas na rating.

Sa resulta, 86% ang nakuhang approval rating ni Duterte, 11% naman ng respondents ang “undecided” at 3% ang nagpahayag ng “disapproval.”

Ang “trust rating” ni Duterte ay 86% din na ayon sa Pulse Asia ay maituturing na “big trust,” 11% ang undecided, at 3% ang may “small and/or no trust.”

Isinagawa ang survey mula September 25 hanggang October 1 na may 1,200 na adult respondents.

Samantala, nakakuha naman ang dalawa pang pinakamatataas na opisyal ng bansa ng ratings na mas mababa kumpara sa ratings ni Duterte.

Si Vice President Leni Robredo ay nakauha ng 66% aproval rating habang 61% naman si Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III./ Rohanisa Abbas

 

Read more...