Japan niyanig ng magnitude 6.6 na lindol

Honshu Japan quakeTumama ang malakas na mamgnitude 6.6 na lindol sa western Honshu sa Japan.

Naganap ang pagyanig ala 1:07 ng hapon, oras sa Pilipinas.

Labing isang kilometro lamang ang lalim ng pagyanig.

Dahil sa nasabing pagyanig, nasuspinde ang biyahe ng West Japan Railway Co. sa Sanyo Shinkansen Line mula Shin-Osaka hanggang Hakata stations at pabalik.

Nakaranas kasi ng power outage sa lugar kaya hindi gumana ang tren.

Samantala, agad namang pinawi ng Phivolcs ang pangamba na maaring magdulot ng tsunami ang nasabing lindol.

Sa abiso ng Phivolcs, walang banta ng tsunami sa mga baybayin ng Pilipinas bunsod ng magnitude 6.6 na lindol sa Tottori Prefecture.

 

 

Read more...