Kinailangan pang tumawid ng ilog ng mga otoridad para lamang maihatid ang relief packs sa Brgy. Sto. Tomas, Cabagan, Isabela.
Isolated kasi ang naturang barangay dahil sa pagbaha at malakas na agos ng Cagayan river.
Nagtulong-tulong ang composite team mula sa AFP, PNP, Philippine Air Force at PDRRMO para maiparating ang tulong sa lugar.
Ayon kay SPO2 George Sarmiento ng Sto. Thomas PNP, gutom ang aabutin doon ng daan-daang pamilya kapag hindi kagyat na naiparating ang ayuda.
Gamit ang speed boats at life boat ay salit-salitang ikinarga ang mga food packs na nagmula sa pamahalaang panlalawigan ng Isabela.
WATCH: Isinakay sa rubber boat ang mga relief goods para maihatid sa isang na-isolate na barangay sa Cabagan, Isabela – FRITZ MICHAEL SALES pic.twitter.com/M1YqxZLdjS
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) October 21, 2016
WATCH: Isinakay sa rubber boat ang mga relief goods para maihatid sa isang na-isolate na barangay sa Cabagan, Isabela – FRITZ MICHAEL SALES pic.twitter.com/5yoqPLagG9
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) October 21, 2016
WATCH: Isinakay sa rubber boat ang mga relief goods para maihatid sa isang na-isolate na barangay sa Cabagan, Isabela – FRITZ MICHAEL SALES pic.twitter.com/MJrhuxDryh
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) October 21, 2016
Samantala, gumanda na ang lagay ng panahon sa lalawigan at nagpakita na ang haring araw.
Sinamantala naman ito ng mga magsasaka para ibilad ang kanilang mga nabasang palay.
Humupa na rin ang baha sa ilang komunidad lalo na sa mga lugar na malapit sa mga ilog.