Tatlo ang patay sa Cagayan sa pananalasa ng bagyong Lawin

Sto Nino Cagayan | Photo courtesy of Kapitan Benjamin Pacun
Sto Nino Cagayan | Photo courtesy of Kapitan Benjamin Pacun

Tatlo ang nasawi sa lalawigan ng Cagayan dahil sa pananalasa ng bagyong Lawin.

Kinumpirma sa Radyo Inquirer ni Cagayan Governor Manuel Mamba na may tig-iisang nasawi sa bayan ng Baggao, Iguig at Solana.

Si Ginang Rosita Rumbaoa ay nasawi matapos pabagsakin ng bagyong lawin ang kaniyang bahay sa Barangay Hacienda Intal sa bayan ng Baggao.

Sa bayan naman ng Iguig, nasawi si Shirley Baccay, isang guro sa University of St. Louis sa Tuguegarao matapos ma-trap sa loob ng bumagsak ring bahay sa Barangay Malabbac.

Ayon naman kay Rogelio Sending Jr., ng Cagayan provincial information office, hindi pa nakikilala ang nasawi sa bayan ng Solana.

Ang tatlong nasawi sa Cagayan ay hindi pa kasama sa labingdalawang casulaties na inilabas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Nananawagan naman ng tulong ang pamahalaang panlalawigan ng Cagayan para sa pagbangon ng mag residente lalo na ang mga nawalan ng tahanan.

 

 

Read more...