US gusto ng paglilinaw sa pagkalas ni Pangulong Duterte sa military at economic ties sa nasabing bansa

duterte-obamaSa kabilang ng bagong pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte, nanindigan ang Estados Unidos na nananatiling “rock-solid” ang commitment nitong tumugon sa Mutual Defense Treaty (MDT) nito sa Pilipinas.

Sa isang press conference, sinabi ni US State Department spokesperson John Kirby, walang pagbabago sa relasyon ng US sa Pilipinas kung ang pag-uusapan ay ang mga nilagdaang kasunduan.

“I will say again today: We remain rock-solid in our commitment in the Mutual Defense Treaty that we have with the Philippines. That hasn’t changed,” ani Kirby.

Sinabi rin ni Kirby na malinaw na “rhetoric” ang naging pahayag ni Duterte sa pagbisita nito sa China na nangangailangan ng paglilinaw.

Ayon kay Kirby, hihingi sila ng paglilinaw sa Pilipinas kaugnay sa pahayag ng pangulo na kumakalas na ito sa economic at military ties sa US.

Sa pahayag naman ni US Ambassador the Philippines Phillip Goldberg sinabi nitong hindi malinaw sa kaniya kung ano ang pakahulugan ni Duterte nang banggitin nito ang salitang “separation”.

Dahil dito, sinabi ni Goldberg na kakailanganin nila ng dagdag na paglilinaw sa naging statement ng pangulo.

 

 

Read more...